BALOT AMECHACHURA DEL ROSARIO

AROMATHERAPIST |  COACH | TEACHER

Ano nga ba ang APAS?


Para sa isang ina, napakasakit na ikaw ay mawalan ng anak. Hindi importante kung siya ay nasa iyong sinapupunan pa lamang or nawala sha nung nailuwal mo na.

Maraming babae ngayon ang nakakaranas ng infertility o recurrent miscarriage (sunod sunod na pagkalaglag ng pagbubuntis). Kung isa ka sa mga nakadanas ne7to, posible na meron kang repro-immune disorder or RID.

And RID ay isang disorder kung saan nirereject ng iyong immune system ang sanggol na iyong dinadala. Maaari din etong dahilan ng di maintindihang pagkabaog or unexplained infertility.

Eto ang mga categories ng RID:

Category 1. Kulang ang katawan sa pagbuo ng blocking antibody para protektahan ang sanggol sa iyong sinapupunan. Ito ay natetest ng Leukocyte Antibody Test or LAT.

Category 2. Blood clotting disorder or APAS. Malapot ang iyong dugo na nagdudulot nang di paghatid ng tamang nutrisyon sa sanggol na nagdudulot ng kanilang pagkamatay. Maraming tests for APAS gaya ng Protein C, Protein S, DRVVT, SCT, etcetera.

Category 3. Antinuclear Antibody. Inaatake ng dugo mo ang DNA ng iyong sanggol. Ang test para dito ay ANA Test.

Category 4. Antisperm antibody. Inaatake ng iyong immune system ang sperm ng asawa kaya walang nabubuong pagbubuntis. Ang test para dito ay Antisperm Antibody Test.

Category 5. Mataas na Killer Cells. Ang iyong immune system ay nilalabanan ang nabubuong sanggol sa iyong katawan. Pangkaraniwang marker ay ang mataas na killer cells or irregular na T and B cells sa Primary Immunodeficiency Panel or NK Assay.

Kung ikaw ay isang possibleng pasyente mg ganitong karamdaman, maghanap ng espesyalista na dalubhasa sa ganitong sakit gaya ng immunologist and perinatologist. Maaari din kayong sumali sa aming support group: www.facebook.com/groups/allaboutapasandrid para maintindihan pa ng mabuti ang iyong sitwasyon.

 

 

RELATEDARTICLES